moving on
Labels: Emotiks.. | at 8:22 AM
Matagal tagal na panahon na rin ang lumipas mula ng huli kung masabing close kami.
hindi ko nga maalala ang eksaktong bilang ng buwan, linggo, araw, oras at kahit sigundo
na nagpalitan kami ng teks.
sa aking pagkaka-alala, di man man niya sinabing gusto niya ako, wala man syang nabanggit
tungkol sa kung anong meron kami, ay naramdaman ko kahit papaano ang saya na dulot ng tinatawag nilang
"PAG-IBIG"..
Akala ko forever kaming ganoon..tiniteks ko siya, tiniteks din niya ako..
tawag dito, tawag doon.. minsan pa nga gumagamit pa xa ng ibang celfon para lang
ipaalam kung nasaan siya, saan siya pupunta o kaya'y saan nanggaling..
Umabot pa nga sa puntong naungkat ang tuksuhan namin nuon sa isa't isa, ang "mummy" at "daddy",
na naging tawagan namin noong CLOSE pa kami. Tawagang nabuo noong friend pa nya ang gusto ko.
Ni hindi ko nga lubos maisip paano niya ako nagagawang tawaging "mmy" sa harap ng ibang tao
gayong alam niyang mahilig manukso ang aming friends.
OO nga pala, we came from one circle of friends, Friendship na nabuo sa pagiging magkaklase.
noon, he had a crush, na sa alam ko ay type na type niya.. baka nga, LOVE na niya iyon.
ako naman, focus sa crush ko na close friend niya. hindi ko nga akalaing matutuon ang atensyon ko sa kanya,
kasi parang "nilalakad niya ako sa friend niya na hindi man lng nagsasabing type ako".
hehe. ang labo nuh?!,..ewan ko dun..
noon ngang ika tatlong taon ko sa kolehiyo, 2nd semester ay lagi kaming magkasamang naglalakwatsa..
of course with some other friends... naging ugat ng tuksuhan. kasi nga daw, parang may Something kami..
dahil nga sa tuksuhang yun, di ko akalaing naglalakwatsa na rin siya patungo sa puso ko..
hehe..
ngayon, nagbgo na ang lahat.. nahinto ang paglalakwatsa, pati na ang teks at tawag.
kaya masasabi kong, we're totally "no-communication". as in di na siya nagtiteks, ni tumawag
o ang sagutin ang tawag ko. maliban lang nung minsang nagteks siya sakin ng magksalubong kami patungong
simbahan.. nagpaalam siyang sa kabilang simbahan siya magsisimba...un lang.
hindi ko na maalala kung kailan nahinto ang aming closeness. siya una huminto, kaya hinayaan ko na rin. para ngang ako ang lalaki..
huminto sa kalokohan ko..
pero nung kailan lng may nangyari...
ni hindi ko alam wat to feel, nung nag post siya ng status sa social networking site na FACEBOOK.
nag comment ako, pero wala lng..
he replied, and i commented in return..
pero hindi ko inaasahang, mag reply siya ng "text2 pud oi"...
at dahil babae ako, nag ASSUME naman agad ako, nasa isip kong, "namimiss niya ako".
hahai. babae nga naman...excited akong mag-online kinabukasan, bka nga nagreply sya...
hayun..nag-online nga ako..
pero ibang comment ang nabasa ko.. dahil nga sa katangahan ko, nakalimutan ko na ang naksaad pala sa post niya ay
"hindi siya makatulog"..ang na feel kong excitement ay napalitan ng disappointment, hahaist...
nag comment kasi yung friend niya na dahil daw sa pag-iisip kai KAYE kung kaya't di siya makatulog...
at may pahabol pang..."love na talaga yan"..
ouch huh?!. ano buh?! kailngn ko pa buh talagang mabasa yun?! tsaka sino buh c KAYE?
hmmm.
now im writting, coz i've learned something and now i am ready and willing to move on...
i've list down my personal steps of MOVING ON..
-dont assume. accept na hindi talaga siya sayo..
-isubsob ang sarili at lahat ng oras sa skwela at mga kaibigan..
- do not recall the your bonding moments.
-huwag mag VIEW sa WALL niya..
kung hindi kaya.. meron pa akong alternative pa..
-ANG IWASAN SIYA-
kaya, im QEITERI ARMELLE, nangangakong gagawin ang lahat para makapag move-on, upang makapag focus
sa studies..dahil ang target ko lang ay ang mapabilang sa listahan ng GRADUATES april'11.
ahahahah..
feb 8,2011
Labels: Emotiks.. | at 8:21 AM
hindi mu hawak ang mundo..
may mga bagay talagang hindi mu lubos maisip
ni hindi sumagi sa isipan mong mangayayari..
minsan at halos sa lahat ng panahon kailangan
mong mag panggap na masaya ka ng saganun d nila
mapansin..
d nila mapansin na halos hindi mo na kayang tumayo
sa tuwing maiisip ang mga bagay na akalain mung para
ng mundo ang pinapasan mo sa bigat ng nararamdaman mo..
idagdag mo pa ang problema sa skwela...
maaring malakas ang pag tingin skin ng close friends ko.
they never see me nawalan ng pag-asa kahit nung nabagsak nami..
they never see me crying because of love and maybe even because of my
family's situation right now..
ni hindi nila alam nag puno't dulo ng storya ng aking buhay.
at d nila dapat malaman pa..