kwento nating dalawa

paulit ulit ng nasabi
mga pangyayaring ganito
laman ng sari saring awitin
tula at ibat ibang kwento...

kahit na sa pelikula
mula doon hanggang dito
pilit na gustong hulihin kirot at kilig ng puso

pero kung ako ang tatanungin
kung ano ang aking damdamin
ngayon ikaw ay kahati ng buhay ko ...
kahit ano pang tula't awitin
sigurado akong tatapusin
masukat ang ligaya na dulot mo.....
wla pa yatang kanta, nobela o pelikula
ang kayang tapatan ang kwento nating dalawa ....

paulit ulit ng nasabi
at kay tagal pang hinintay
pinangarap pinantasya katuwang ko sa buhay
nagyon tayoy magkasama hindi pa rin maka paniwala
itong sweteng dumating sakin na pumayag kang mahalin kita ....


pero kung ako ang tatanungin
kung ano ang aking damdamin
ngayon ikaw ay kahati ng buhay ko
kahit ano pang tula't awitin
sigurado akong tatapusin
masukat ang ligaya na dulot mo
wla pa yatang kanta, nobela o pelikula
ang kayang tapatan ang kwento nating dalawa

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments